^

Metro

14 Petcs nanganganib ipasara ng LTO

- Ni Angie dela Cruz -

MANILA, Philippines - Nanganganib na ma­ipa­sara ang operasyon ng may 14 na private emis­sion testing center (Petcs) sa bansa matapos mapa­tu­nayan ng Land Transpor­tation Office-ETC Ad Hoc Adjudication Committee na lumabag ito sa batas alin­sunod sa Clean Air Act ng pamahalaan tulad ng pag­sasagawa ng non-ap­ pearance testing o di pag­dadala sa LTO ng sasak­yan para maipasuri ang usok ng tambutso bago ma­irehistro sa ahensiya.

Nagpalabas si LTO Chief Virginia Torres ng show-cause order laban sa mga pasaway na Petcs para magpaliwanag ang mga ito sa loob ng 3 work­ing days kung bakit hindi sila maaaring maipasara makaraang mahuli na nag­sasagawa ng non-com­pliance at non-ap­pearance testing sa mga irerehistrong sasakyan.

Ang 14 Petcs na nakita umanong lumabag sa emis­sion testing program ng pamahalaan ay ang Net Emission Testing Center McArthur Highway Malinta, Valenzuela City; W. RED Emission Testing Center, Real 1 Bacoor, Cavite; Orange Emission Testing Cen­ter Guagua, Pam­panga; Good Morning Emis­­sion Testing Center Meycauayan, Bulacan; H.R.Eco Clear Emission Testing Center Sta. Maria, Bu­lacan; Fernandino’s Emission Testing Center Cainta, Rizal; EP Emission Testing Center Legaspi City, Albay; Environguard Technologies Corp. Gui­guinto, Bulacan; De Jesus Emission Testing Center Bacoor, Cavite; Bearcat Reyes Emission Testing Center, Pequeña, Naga City; ASI Emission Testing Center Sta. Mesa Heights, QC; Ama Smoke Test Center Sto. Niño, Marikina City; A.M. Pacleb Enter­prises Inc. San Roque, Ma­rikina City; A.M. Pacleb Enterprises Inc. San Elena, Marikina City.

“We are giving them due process, ganun naman tayo, magpaliwanag sila at pag hindi tayo kumbinsido sa paliwanag nila, ipasa­sara natin ’yan mga yan,” pahayag ni Torres.

Sinuportahan naman ng Private Emission Test­ing Center Operators Assn. (PETCOA) ang kam­pan­yang ito ni Torres. Pa­tunay anya na kaya pang ma­lutas ang mga katiwa­lian at pa­gandahin ang pro­grama ng PETC kung ang pamu­nuan ay may political will lamang.

AD HOC ADJUDICATION COMMITTEE

AMA SMOKE TEST CENTER STO

BEARCAT REYES EMISSION TESTING CENTER

BULACAN

CENTER

EMISSION

MARIKINA CITY

PETCS

SHY

TESTING

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with