^

Metro

Doktora ninakawan, binigti

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - May takip na unan at may tali sa leeg, saka na­ka­gapos ang magka­bi­lang kamay gamit ang kawad ng kuryente nang matagpuang bangkay ang isang 81-anyos na doktora sa loob ng kan­yang bahay sa lungsod Quezon kamakalawa ng gabi.

Pagnanakaw ang inis­yal na motibong tini­ting­nan ng Quezon City police sa pagkamatay ng biktimang si Lourdes Pascual, dalaga, anes­the­sio­logist,  ng #4 Ma­nik­ling St., Brgy. Talayan, sa lungsod.

Sa imbestigasyon ni PO2 Jogene Hernandez ng CIDU, ang biktima ay natagpuan na lamang ng kanyang sekretaryang si Erlin Clar-Jesus at Jessie Ramos Francisco ka­sama ang ilang opisyales ng pulis at barangay sa kalunus-lunos na kalaga­yan dakong alas-8:30 ng gabi.

Bago nito, alas-2 ng hapon umano ay inutu­san si Francisco ng kan­yang kaibigang si Mi­chael Concha, apo ng biktima, at nasa out-of- town, na puntahan ang biktima sa bahay nito dahil hindi ito tumutugon sa kanyang tawag sa cellphone.

Ngunit lumipas ang ilang oras na paulit-ulit na pagkatok at pagtawag sa naturang bahay ay wa­lang tumutugon sanhi para magpasya ang da­lawa na humingi na ng tulong sa barangay at sa pulis.

Dito ay nagpasya ang mga awtoridad na pasu­kin ang bahay sa pama­magitan ng pag-akyat sa gate gamit ang hagdanan kung saan pagbukas ng kuwarto ay saka bumu­laga sa kanila ang bang­kay ng biktima habang nakahiga sa isang ma­habang silya.

Ayon sa pulisya, po­sibleng habang binibigti ng suspect ang biktima ay nakatakip ang unan sa mukha nito upang hindi na ito makagawa pa ng ingay, na siyang dahilan para ito masawi.

Wala ring nakitang force entry ang awtoridad sa bahay ng biktima na nangangahulugang ma­layang nakapasok o dili kaya ay kilala nito ang nasabing suspect.

Sa ngayon, patuloy ang pagsisiyasat ng CIDU sa naturang insi­dente kung saan robbery ang tinitingnan nilang motibo.

AYON

BIKTIMA

BRGY

DITO

ERLIN CLAR-JESUS

JESSIE RAMOS FRANCISCO

JOGENE HERNANDEZ

LOURDES PASCUAL

QUEZON CITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with