MANILA, Philippines - Tiniyak ni Presiding Judge Thelma Bunyi-Medina ng Manila Regional Trial Court (RTC) na hindi siya mag-iinhibit sa kasong double murder case ni dating Senator Panfilo Lacson.
Ito’ y kasabay ng pagbabasura ni Medina ng Branch 18 sa isinampang motion for inhibition ng kampo ni Lacson dahil sa kawalan ng merito.
“Illuminated by the foregoing jurisprudential principles and considering the factual backdrop of this case, this court hereby resolves to deny the motion for the voluntary inhibition of the acting presiding judge.” base sa 5 pahinang desisyon ni Bunyi-Medina.
Naunang naghain ng mosyon si Lacson at ilan sa mga akusado na naging bias umano ang hukom, matapos tanggihan ang ilang mosyon na inihain ng depensa.
Bukod kay Lacson, kabilang si Margarito Cueno, Crisostomo Purificacion, Rommel Rollan, Ruperto Nemenio at PO2 Thomas Sarmiento sa naghain ng mosyon.
Nabigo umano ang kampo ni Lacson na makapaghain ng ebidensiya na naging bias ang hukom, maliban lang sa inisyu niyang orders noong Hulyo 6 at Hulyo 23 na hindi pumabor kay Lacson at mga akusado.