^

Metro

Barangay captain inireklamo ng panunutok ng baril

- Angie dela Cruz, -

MANILA, Philippines - Inireklamo sa pulisya ang isang barangay chairman ma­tapos nitong tutukan ng baril at saktan ang isang ginang na naging dahilan upang mahulog ang karga nitong sanggol ka­hapon sa Caloocan City.

Nahaharap ngayon sa pa­tung-patong na kaso ang sus­pek na si Chairman Bernardo Saraza, ng Barangay 72 at residente ng Victory Compound ng nasabing lungsod.

Nagtungo   sa Caloocan City Police ang biktima,  na kinila­lang si Janice Namol, 26 , nani­nirahan sa Victory Compound, Caloocan City upang pormal na magharap ng reklamo.

Ayon sa  Women’s and Child­ren’s Protection Desk (WCPD) ng Caloocan City Po­lice, naganap ang insidente sa pagitan ng alas-12 ng tanghali at ala-1 ng hapon,  sa harapan ng tanggapan ng Barangay 72 na matatagpuan sa Victory Compound. Ayon sa naging salaysay ng biktima, kasaluku­yan siyang nakatayo sa hara­pan ng barangay hall habang karga-karga ang kanyang sang­gol,  nang bigla siyang lapitan ni  Saraza, na nakasukbit ang baril sa beywang at hinahanap ang kanyang mister. Nang hindi masabi ng biktima kung nasaan ang asawa ay agad siyang hinaltak ng kapitan sa kaliwang braso dahilan upang mahulog sa lupa ang kanyang anak na 1-taon gulang Hindi pa umano nasiyahan si Saraza at sinipa pa nito sa kaliwang binti ang bik­tima at tinutukan ng baril sa mukha bago sabihing ang mga katagang “Lumayas na kayo hindi ko kayo kailangan”. Dahil sa labis na takot ay agad na umalis sa naturang lugar ang bik­tima at matapos ang ilang sandali ay nagtungo ito sa him­pilan ng pulisya upang pormal na magharap ng kaukulang kaso laban kay Saraza.

AYON

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY PO

CALOOCAN CITY POLICE

CHAIRMAN BERNARDO SARAZA

JANICE NAMOL

SARAZA

SHY

VICTORY COMPOUND

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with