^

Metro

Tsino tiklo sa P6-milyong shabu

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Nadakip ng National Ca­pi­tal Regional Police Office (NCRPO) sa isang buy-bust operation ang isang Chinese na­tional sa aktong nagbe­benta ng iligal na droga, ka­makailan sa Sta. Cruz, Maynila.

Kinilala ni NCRPO di­rector, Chief Supt. Nicanor Bartolome ang nadakip na si Weng Bing Lim, 31, tubong Fujian, China at pan­saman­talang nangungupahan sa may Mayhaligue St., Sta. Cruz, Maynila. Nakumpiska dito ang may 1.5 kilo ng shabu na may ka­tum­bas na “street value” na P6 milyon, dalawang cell­phone at isang Toyota For­tuner na gamit nito sa paki­kipagtransaksyon.

Sa naantalang ulat ng NCRPO, isinagawa ang ope­rasyon nitong Oktubre 14 ma­lapit sa bahay ni Lim maka­raan ang matagal na pagma­manman. 

Isang nagpanggap na buyer ang nakipagtran­sak­syon sa suspek na ina­resto makaraang magkaabu­tan ng marked money.

Nahaharap ngayon sa pa­tung-patong na kasong pag­labag sa Section 5 (sale, dis­pensation, delivery) at Section 11 (possession) ng Article 2 ng Republic Act 9165 ng Com­prehensive Dangerous Drugs Act of 2002 sa Manila Pro­secutor’s Office.

Kasalukuyang nakaditine sa RPIOU-NCRPO detention cell ang suspek habang hini­hintay ang “commitment order” upang mailipat ito sa Manila City Jail.

vuukle comment

CHIEF SUPT

CRUZ

DRUGS ACT

MANILA CITY JAIL

MANILA PRO

MAYHALIGUE ST.

MAYNILA

NATIONAL CA

NICANOR BARTOLOME

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with