^

Metro

Bureau of Fire kinalampag sa imported fire trucks

- Ni RickyTulipat -

MANILA, Philippines - Hinamon ni AGHAM Partylist Rep. Angelo Pal­mones si Bureau of Fire Protection Chief Rolando Bandilla, na ilabas nito ang opisyal na pagpa­pahayag ng mga regional directors at fire mar­shals kaugnay ng pagrekomenda umano ng mga naturang tauhan sa pagbili ng imported Power Take-Off (PTO) fire trucks.

Ang naturang reaksyon ay base sa pahayag ni General Bandilla sa isang panayam na may mga request umano ang mga BFP regional direc­tors at field marshals na PTO fire trucks ang bilhin.

Ayon kay Palmones, bukod sa dolyares at im­ported ang mga naturang PTO fire trucks, obsolete technology na rin umano ito, na hindi na ginagamit ng mga mauunlad na bansa gaya ng Amerika, Japan at Australia. Marami rin umano itong maituturing na disadvantages gaya ng wala itong after sales care at warranty, bukod pa sa mahal na mga piyesa nito na kadalasan ay sa ibang bansa pa bibilhin.

Ipinaliwanag din ni Palmones, na siyang nag­hain ng House Resolution 202, na naglalayong im­bes­tigahan ang naturang PTO fire-truck pro­curement ng BFP, na itinatadhana ng batas na kapag may anumang pangangailangan ang gob­yerno at mayroon namang Filipino manufacturers nito sa bansa, na pasado sa mga legal na aspeto gaya ng patent, business registration at iba pa, dapat itong unang tangkilikin ng pamahalaan.

Samantala, hinamon naman ni Anos Re­search Manufacturing  General Manager, Gng. Maria Estrella Garcia ang pamunuan ng BFP na magkaroon ng performance at physical compa­rative study sa pagitan ng PTO fire truck at ang gawang Pinoy na Anos Fire truck.

Binigyan-diin din ni Garcia na bukod sa sila lang ang nag-iisang Pinoy fire truck manufacturer sa bansa, pasado sila sa lahat ng technical requirements and specifications ng BFP, dahilan kaya kinatigan din ng nakaraang 14th Congress, ang nasabing mga procurement ng BFP sa kanilang kumpanya.

vuukle comment

ANGELO PAL

ANOS FIRE

ANOS RE

BUREAU OF FIRE PROTECTION CHIEF ROLANDO BANDILLA

FIRE

GENERAL BANDILLA

GENERAL MANAGER

HOUSE RESOLUTION

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with