^

Metro

Trader dedo sa riding-in-tandem

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Utas ang isang ne­gos­yante habang isa pa ang ma­lubhang nasuga­tan ma­karaang ratratin ng riding-in-tandem sa lung­sod Que­zon kaha­pon ng umaga.

Sa inisyal na ulat ng Po­lice Station 2 ng Que­zon City Police, nakilala ang na­sawi na si Ronnie Ber­sano, 40, ng Os­meña St., corner Roose­velt Avenue, San Francisco del Monte sa lungsod. Habang   suga­tan naman si Jesus Ca­diwa, 47, technician at re­sidente rin sa naturang lugar.

Ayon sa pulisya, nag­tamo ng tama ng bala sa kanang mata at dibdib si Bersano na siyang ikina­matay nito. Ma­bilis tuma­kas ang mga suspect na kapwa nakasuot ng itim na jacket at helmet.

Sa ulat, nangyari ang insidente sa harap ng ra­diator shop ni Bersano na matatagpuan sa panulu­kan ng Osmeña St., Roose­velt Avenue ganap na alas- 11:30 ng umaga.

Diumano, nakatayo ang biktima sa harapan ng kanyang shop nang big­lang sumulpot ang mga suspect at pinaula­nan ng bala ang una.

Sinasabing dahil na­roon din sa lugar si Ca­diwa at gumagawa ng radiator kaya tinamaan ng ligaw na bala. Ina­alam pa ang mo­tibo sa isinaga­wang pama­maril.

vuukle comment

AYON

BERSANO

CITY POLICE

DIUMANO

HABANG

JESUS CA

RONNIE BER

SAN FRANCISCO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with