MANILA, Philippines - Itinali na parang baboy ang siyam na kawani matapos looban ang isang kompanya ng sampung armadong mga holdaper hanggang tangayin ng mga ito ang payroll money na nagkakahalaga ng may P160,000, na ipapansuweldo sana sa mga biktima, kahapon ng madaling-araw sa Muntinlupa City.
Kinilala ang mga biktimang sina Erwin Inco, 30; Pia Eustaquio, 32; Fracesca Almonte, 25; Laarni Lourdes Lacdang, 33; Joana Raburar, 34; Mauseta De Luna, 31; Jemuel De Guit, 35; Mayrna Santos, 46 at Danny Yanoc, 35, pawang mga kawani ng RLMU Enterprises, na matatagpuan sa Alabang Warehouse Building, #8005, Don Jesus Boulevard, Alabang Hills Village, Muntinlupa City.
Samantala, nagsasagawa pa ng follow-up operation ang mga kagawad ng Muntinlupa City Police laban sa hindi pa nakikilalang mga suspek .
Sa imbestigasyon ng pu lisya, naganap ang insidente dakong alas -12:05 ng madaling araw nang salakayin ng mga suspect ang nasabing kompanya. Pagpasok ay agad na nagdeklara ang mga ito ng holdap at saka isa-isang itinali ang mga empleyado
Pagkatapos ay agad na kinuha sa cashier ang may P160,000 na pampasuweldo sa mga empleyado.
Ang ibang suspek naman ay kinukulimbat ang mga pera, alahas at cellphone ng mga biktima.