Jeepney operator binoga sa inuman
MANILA, Philippines - Patay ang isang jeepney operator makaraang barilin habang ito ay nakikipag-inuman sa Malabon City kamakalawa ng gabi. Nakilala ang nasawi na si Teofilo Santiago, 53, taga Little Samar, San Jose, Navotas City. Nagsasagawa pa ng follow-up operation ang mga pulis laban sa dalawang hindi pa nakikilalang mga suspek. Naganap ang insidente dakong alas-6:15 ng gabi sa Gabriel 2 Subdivision, Brgy. Hulong Duhat, Malabon City. Nabatid, na nakikipag-inuman ang biktima sa mga kaibigan nito sa nabanggit na lugar, nang sumulpot ang mga suspek kung saan isa sa mga ito ang bumaril kay Santiago. Matapos ang insidente ay tumakas ang mga suspek habang inaalam pa ng pulisya ang motibo ng nasabing insidente.
- Latest
- Trending