^

Metro

Kaso vs Gregorio Mendoza, umariba na

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Base na rin sa direktiba ni Pangulong Benigno Aquino III, muling sinampahan ng kasong kriminal si SPO2 Gregorio Mendoza, ang kapatid ng napatay na hostage-taker sa madu­gong August 23 Quirino Grandstand sa Luneta na kumitil sa buhay ng walong Hong Kong tourists.

Kinumpirma ni C/Insp. Marcelo Reyes, hepe ng Manila Police­ District-General Assignment Section, nakatanggap sila ng order­ mula sa Malakanyang na sampahan din ng kasong illegal possession­ of firearms si Mendoza. Naging batayan sa pag­hahain ng kaso ang  naging testimonya ng assistant negotiator sa hostage incident na si C/Insp. Romeo Salvador.

Nabatid sa naging complaint-affidavit ni Salvador laban kay Mendoza ang paglabag nito sa PNP Memorandum Circular na nag­sa­sabing may polisiya na hindi maaaring magdala ng baril sa oras ng hostage crisis kung hindi siya awtorisado habang nasa site. Una nang sinampahan ng Serious Disobedience (Article­ 151, Revised Penal Code).Nakatakda na ring basahan ng sakdal si Mendoza sa kasong Serious Disobedience sa Manila Metropolitan Trial Court (MTC) sa Oktubre 26.

DISTRICT-GENERAL ASSIGNMENT SECTION

GREGORIO MENDOZA

HONG KONG

MANILA METROPOLITAN TRIAL COURT

MANILA POLICE

MARCELO REYES

MEMORANDUM CIRCULAR

MENDOZA

PANGULONG BENIGNO AQUINO

SERIOUS DISOBEDIENCE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with