^

Metro

NCRPO chief handang harapin ang kaso sa hostage taking

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Handang harapin ni National Capital Regional Police Office (NCRPO) chief, Director Leocadio Santiago Jr. ang kasong admi­nistratibo na inirekomendang isampa ng Incident Investigation and Review Committee (IIRC) sa National Police Commission (Napolcom) kaugnay ng Luneta hostage crisis.

Sa opisyal na pahayag ni Santiago, sinabi nito na matapos ang ilang buwang paghihintay ay magkakaroon na siya ng pagkakataon na masagot ang mga akusasyon sa kanya sa tamang “forum”.

 Sinabi rin nito na nirerespeto niya ang naging desisyon ni Pangulong Benigno Aquino III at rekomendasyon ng IIRC sa pangu­nguna ni Justice Secretary Leila De Lima.

Bukod kay Santiago na nahaharap sa kasong “grave neglect of duty”, nahaharap rin sa kasong administratibo sa Napolcom sina dating Manila Police District director, Chief Supt. Rodolfo Magtibay, Supt. Orlando Yebra at Chief Insp. Santiago Pascual.

Sinabi naman ni Napolcom vice-chairman Atty. Eduardo Escueta na maaaring bumigat pa ang kasong kakaharapin ng naturang mga pulis sa isasagawa nilang pagdinig.

 Maaaring tumagal umano ng 60 araw ang proseso sa pag­determina sa “probable cause” ng kaso bago pa iakyat ito sa kani­lang legal affairs division.  Magiging bukas naman umano ang pag­dinig sa mga mamamahayag, dagdag ni Escueta.

CHIEF INSP

CHIEF SUPT

DIRECTOR LEOCADIO SANTIAGO JR.

EDUARDO ESCUETA

INCIDENT INVESTIGATION AND REVIEW COMMITTEE

JUSTICE SECRETARY LEILA DE LIMA

MANILA POLICE DISTRICT

NAPOLCOM

NATIONAL CAPITAL REGIONAL POLICE OFFICE

NATIONAL POLICE COMMISSION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with