Fire trucks na gawang Pinoy dapat tangkilikin
MANILA, Philippines - “Tangkilikin muna ang sariling atin, ito ang matibay na ipinahayag ng batas.”
Ito ang sinabi ni Gng. Maria Estrella Garcia ng Anos Research Manufacturing, ang nag-iisang local manufacturer ng modernong fire truck sa bansa.
Ginawa ni Gng. Garcia ang pahayag sa gitna ng usapin ng procurement ng Bureau of Fire Protection ng mga sasakyang pamatay-sunog.
Base sa pahayag ni Bureau of Fire Protection (BFP) chief General Rolando Bandilla, may kahilingan diumano ang mga BFP regional directors na bumili ng mga PTO fire trucks na mariin namang tinututulan ni Garcia dahil nangangailangan ito ng pambili ng imported na fire trucks, at dahil wala namang PTO fire trucks manufacturer dito sa bansa.
Bukod sa mahal na piyesa ay walang after sales care at warranty, dolyar umano ang ipambabayad dito.
Matatandaang kinatigan ng 14th Congress ang naging procurement ng mga fire trucks ng BFP sa Anos research dahil ayon sa mga mambabatas legal at ayon sa batas ang naturang pagbili.
Ipinagmamalaki ni Garcia na bukod sa lifetime warranty, Pinoy design at invention din ang naturang mga fire truck na nagbibigay trabaho naman sa karamihang kababayan.
- Latest
- Trending