^

Metro

Lady barker utas sa sinitang holdaper

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Patay sa pagpapakabayani ang isang lady barker nang pagsasaksakin ng isang holdaper na kaniyang kinunan ng litrato habang nagsa­sagawa ng panghoholdap sa Tondo, Maynila kamakalawa ng gabi.

Dead on arrival sa Jose Abad Santos Mother and Child Hospital ang biktimang si Emma Chacon, 38, ng Coral St., Tondo sanhi ng sak­sak sa likurang bahagi ng kanyang kata­wan.Tinutugis pa ng pulisya ang di nakilalang suspect.

Sa ulat ni Det. Lester Evangelista ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-6:15 ng gabi ng maganap ang insidente sa panulukan ng J. Abad Santos at C. M Recto Ave., Tondo.

Nagawa pa umanong pagsabihan ng biktima ang suspect na “huwag kang mang­holdap dito kundi pahuhuli kita sa mga pulis”  sabay na kinunan umano ng litrato gamit ang kaniyang cellphone.

Nang mapansin ng suspect na walang kasama ang biktima ay nilapitan umano ito at biglang pinag-uundayan ng saksak bago tumakas.

Ang suspect ayon sa nakalap na impor­masyon ng imbestigador ay minsan nang naku­long sa MPD-Station 2 dahil din sa pangho­holdap. Hindi pa ito kinilala ng pulisya para sa gagawing operasyon.

vuukle comment

ABAD SANTOS

CORAL ST.

EMMA CHACON

JOSE ABAD SANTOS MOTHER AND CHILD HOSPITAL

LESTER EVANGELISTA

M RECTO AVE

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MAYNILA

NAGAWA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with