^

Metro

2 fetus natagpuan sa Mandaluyong

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Habang umiinit ang kam­panya ng Simbahang Katoliko kontra “reproductive health bill”, dalawang fetus naman ang magkasunod na natag­puan sa magkahiwalay na lugar sa Mandaluyong City.

Sa ulat ng Mandaluyong police, isang fetus na lalaki na may edad na 7-8 buwang gulang ang unang nadiskubre dakong alas-8:45 kamakalawa ng gabi sa basurahan sa loob palikurang pambabae sa Starmall sa may EDSA-Crossing­.

Sinabi ng janitress na si Janet Constantino na naglilinis siya sa loob ng palikuran nang makita ang isang plastic bag na mahigpit ang pagkakatali. Kanyang binuksan ang plastic bag kung saan bumulaga sa kanya ang fetus na nag-uum­pisa nang mabulok.

Dakong alas-12:10 naman ng madaling-araw nang ma­dis­kubre ang ikalawang fetus na babae sa tapat ng Re­galong Pambahay outlet store sa may Pioneer St., Brgy. Buayang Bato.

Napansin ng mga security guard na sina Ruben Belledo at Michael Tawatao ang isang plastic bag na iniwan sa tapat ng na­tu­rang tindahan. Agad na nagduda ang mga security guard kung saan iniulat ito sa pulisya.

Nang buksan ang plastic bag, dito nadiskubre ang bang­kay ng isang fetus na babae. 

May hinala naman ang pu­lisya na iisa lamang ang pinang­­galingan ng dalawang fetus na maaaring itinapon sa magka­hiwalay na lugar upang iligaw ang mga imbestigador. Posible umano na buhat ito sa isang “abortionist” na nag-ooperate sa lungsod.

BRGY

BUAYANG BATO

DAKONG

JANET CONSTANTINO

MANDALUYONG CITY

MICHAEL TAWATAO

PIONEER ST.

RUBEN BELLEDO

SHY

SIMBAHANG KATOLIKO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with