MANILA, Philippines - Naaresto ng Bureau of Immigration (BI) ang pitong Chinese nationals sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) dahil sa pagtatangka nitong lumabas ng bansa gamit ang pekeng dokumento. Kinilala ni Immigration Officer in Charge Ronaldo Ledesma ang mga suspek na sina Lu Chuanhan, Fu Gongyong, LIn XingQing, He Shufang, He Shutai, Ke Xingfa at Li Bao na ipinatapon pabalik sa kanilang bansa sakay ng China Southern Airlines patungong Xiamen.
Sinabi ni Ledesma na ang mga dayuhan ay pinatapon palabas ng bansa base sa deportation order na inisyu ng BI Board of Commisioners kamakailan kasabay ng pagbabawal sa mga ito na muling pumasok sa Pilipinas at inilagay sa immigration blacklist. Ang mga dayuhan ay naharang sa NAIA 3 departure area noong Setyembre 4 habang papasakay sa Cebu Pacific flight to Shanghai matapos na madiskubre ng immigration officers na mayroong fake immigration departure stamps ang kanilang pasaporte.