^

Metro

2 suicide naitala

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Winakasan ng isang lalaki at isang babae ang kani-kanilang sariling buhay sa pamamagitan ng pagpapatiwakal upang takasan ang mga dina­ ranas na problema sa mag­kahiwalay na insi­dente sa Las Piñas at Parañaque City.

Unang nadiskubre ang bangkay ni Romulo Palma, 56 sa loob ng kan­yang tirahan sa Baya­nihan St., Phase 4, Brgy. CAA, Las Piñas City da­kong alas-6 kaha­pon ng umaga ng kan­yang na­katatandang kapatid na si Teresita Estrada, 58.

Nadiskubre ang bik­tima na nakatarak ang isang mahabang kutsilyo sa kanyang tiyan nang dat­nan ng mga rumes­pondeng opisyal ng barangay at pulisya.

Sinabi sa pulisya ng mga kaanak ng biktima na matagal na itong pina­hihirapan ng kanyang sakit na diabetes at kidney failure na posibleng dahilan ng kanyang pag­papakamatay. Patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ukol dito.

Dakong alas-10 na­man ng umaga nang ma­diskubre ang bangkay ng 24-anyos na dalagang si Rochelle Tarrayo na nag­pakamatay sa pama­magitan ng pagbibigti sa loob ng kanilang tirahan sa Purok 5, Silverio Compound, San Isidro, Para­ñaque City.

Ayon pulisya, matigas na ang katawan ng da­laga nang madiskubre ng kanyang kapatid na si Cidric Tarrayo na naka­bitin sa loob ng kanyang silid, gamit ang kumot na ipinulupot sa kanyang leeg.

Matagal na umanong dumaranas ng depres­yon ang dalaga at tumang­gi na itong uminom ng gamot na inireseta sa kanya ng mga doktor.

AYON

BRGY

CIDRIC TARRAYO

LAS PI

ROCHELLE TARRAYO

ROMULO PALMA

SAN ISIDRO

SHY

SILVERIO COMPOUND

TERESITA ESTRADA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with