^

Metro

Motorsiklo vs jeep: 1 patay, 2 sugatan

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Patay ang isang bi­nata, habang dalawa pang kasamahan nito ang sugatan makaraang ma­bundol ang sinasak­yan nilang motorsiklo ng isang pampasaherong jeepney sa lungsod Quezon kaha­pon ng madaling-araw.

Dead-on-the-spot ang biktimang si Rick Steven Revilas, 18, ng 1938 Mt. Apo St., Punta Brgy. 900, Santa Ana Manila.

Habang itinakbo na­man sa Quirino Medical Center ang mga su­ga­tang angkas nito na sina Jinky Rose Maestre, at Ryan Franco, 28.

Nasa kustodiya na­man ng pulisya ang naka­banggang driver ng PUJ na si Antolin Isla, 59, ng V. Mapa Santa Mesa Manila.

Nangyari ang insi­dente sa may Aurora Blvd., corner Monte de Piedad St., sa lungsod ganap na alas-3:10 ng madaling-araw.

Bago ito, sakay umano si Revilas ng kanyang Honda MC at angkas sina Maestre at Franco at tinatahak ang na­sabing lugar patu­ ngong Seattle St. pag­sapit sa Monte de Piedad St., nabangga ito ng isang pampasa­herong jeepney (DHJ-962) na minama­neho ni Isla na papaliko naman sa natu­rang lugar.

Dahil dito, tumilapon ang motorsiklo ng mga biktima, dahilan upang magtamo ng matitinding sugat ang mga ito na ikinasawi ni Revilas.

vuukle comment

ANTOLIN ISLA

AURORA BLVD

JINKY ROSE MAESTRE

MAPA SANTA MESA MANILA

MT. APO ST.

PIEDAD ST.

PUNTA BRGY

QUIRINO MEDICAL CENTER

REVILAS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with