^

Metro

Local fire trucks ng bansa pasado sa technical standards ng BFP

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Inamin ni Bureau of Fire Protection chief General Rolando Bandilla na pasado ang Anos Fire trucks sa technical standards and requirements ng kanilang kagawaran. Ito ay makaraang umugong ang isyu sa pagbili ng 2nd hand o surplus na mga fire trucks sa ibang bansa na mariing kinontra ni Bandilla.

Ayon kay Bandilla, labag sa batas ang pagbili ng surplus kaya siya mismo ang tututol sa hakbanging ito. Giit ng heneral mahigpit ang kanyang pamunuan pag­dating sa mga technical specifications ng mga gamit sa pamatay-sunog at makabagong bumberong bibilhin ng ahensya, dahil sa bukod sa itinatadhana ng batas, buhay at ari-arian din ang nakatakdang ililigtas nito. Sinasabing ang Anos Research Manu­facturer, ang nag-iisang local fire truck manufacturer sa bansa, na nakapasa sa standards na ipinapatupad ng BFP.

Magugunitang kinatigan ng 14th Congress sa isang congressional inquiry, ang firetruck procurement ng BFP sa Anos research, dahil bukod sa protektado ng batas, idineklarang nararapat, at legal ang lahat ng naunang pagbili ng fire bureau ng mga  modernong fire trucks mula sa Pinoy company. Ayon sa house committee report 2672, rekomen­dado ng house committee on good government at ng house committee on public order and safety, na ituloy ng BFP ang naturang firetruck acquisition para matugunan din ang batas na nag-uutos na dapat ay mayroong isang modernong bumbero sa bawat bayan sa buong bansa.

vuukle comment

ANOS

ANOS FIRE

ANOS RESEARCH MANU

AYON

BANDILLA

BUREAU OF FIRE PROTECTION

FIRE

GENERAL ROLANDO BANDILLA

GIIT

INAMIN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with