^

Metro

Sadistang amo arestado sa pagmamaltrato

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Kalaboso ang isang 63-anyos na Tsino ma­tapos ireklamo ng dala­gitang katulong na du­manas ng matinding pag­mamaltrato dito sa Sta. Cruz, Maynila.

Kinilala ang suspect na si Rosa So, residente ng Sunshine Condominium, na matatagpuan sa panulukan ng CM Recto at Aguilar  St., Sta. Cruz, Manila.

Sa reklamo ng bikti­mang si Rizza Mae Mel­ chor­ Cuyata, 17, tubong North Cotabato at stay-in housemaid sa bahay ni So dakong alas-12:00 kamakalawa ng tanghali nang huling mal­tratuhin siya ng amo.

Nabunyag na mata­gal nang sinasaktan ni So ang biktima tulad ng pangungurot, pagham­balos ng electrical wire sa katawan at iba pang ma­sasakit na salita, hang­gang sa makaagaw ng atensiyon sa mga resi­dente ang pagsigaw ni Cuyata habang papa­labas ng bahay na hina­habol umano ng pana­nakit ng amo.

Agad sumaklolo ang punong barangay sa lugar at inaresto ang suspect.

Nadiskubre din na sa loob ng pitong buwan na pa­mamasukan ay hindi umano pinasasahod ang biktima sa kabila ng pa­ngako na P2,500 kada buwan. 

Ang biktima ay isina­ilalim sa medical check up sa Mother and Child Hospital dahil sa tinamo nitong matinding pasa at sugat sa iba’t ibang parte ng kanyang katawan.

AGUILAR

CRUZ

CUYATA

KALABOSO

MOTHER AND CHILD HOSPITAL

NORTH COTABATO

RIZZA MAE MEL

ROSA SO

SHY

SUNSHINE CONDOMINIUM

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with