^

Metro

SSS office nilooban

Nila - Ricky Tulipat at Angie­ dela Cruz -

MANILA, Philippines - Nilooban ng pinaniniwalaang grupo ng “Akyat-bahay gang” ang tanggapan ng Social Security System (SSS) sa lungsod Quezon kamakalawa.

Gayunman, sinabi ni  SSS Vice-president for Media Affairs Joel Palacios na hindi nabuksan ng kawatan ang vault na kinaroroonan ng pera ng ahensiya kundi ang mga drawers lamang ng mga emple­yado na naglalaman ng cash mula sa halagang P300  at pinaka­malaki na ang P3,000 cash at iba pang personal na kagamitan nila.

Sinasabi sa ulat na sa naturang tanggapan nag-oopisina sina Gamelin Dizon, Vice -president ng treasury department at Assistant Vice-president na si Emmanuel Trinidad.

Pasado alas -11 ng gabi nang ma­tuk­lasan ang pagnanakaw sa naturang departamento ng security guard na si Elbert Malana.

Bago ito, kapapalit lamang ni Malana para mag-duty sa kasamahang si Dexter Marinao na nagka-duty simula alas-3 ng hapon hanggang alas-11 ng gabi nang matuklasan niya ang insidente.

Sinasabing nagsagawa ng routine inspection si Malana nang mapuna nito ang aircondition mula sa treasury office ay nakalapag sa sahig.

Sa puntong ito, agad na ininspek­syon ni Malana ang lugar kung saan niya nakita ang  mga tables at drawers sa loob na pinuwersang buksan.

AKYAT

ASSISTANT VICE

DEXTER MARINAO

ELBERT MALANA

EMMANUEL TRINIDAD

GAMELIN DIZON

GAYUNMAN

MALANA

MEDIA AFFAIRS JOEL PALACIOS

SOCIAL SECURITY SYSTEM

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with