Tomboy iniwan ng nobya, naglason
MANILA, Philippines - Isang 22-anyos na tomboy ang nasawi matapos tumungga ng silver cleaning solution nang hindi matanggap ang ginawang pakikipaghiwalay sa kanya ng kanyang girlfriend sa Caloocan City kahapon.
Dead-on-arrival sa Pagamutang Lungsod ng Malabon si Maria Theresa Gregori, ng Salmon st., Dagat-dagatan ng lungsod na ito.
Lumalabas sa ulat ng Caloocan City Police, naganap ang insidente dakong alas-12:00 ng tanghali sa loob ng kanilang bahay sa nabanggit na lugar. Napag-alaman labis na dinamdam ng nasawi ang pakikipaghiwalay sa kanya ng nobya sa hindi malamang dahilan.
- Latest
- Trending