^

Metro

High school student kinurot, sinuntok ng titser

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Isang public school teacher ang nahaharap sa kasong pag­la­bag sa Child Abuse o pagla­bag sa Republic Act 7610 matapos na ireklamo ng isang high school student na duma­nas ng kanyang pana­nakit.

Dumulog sa Manila Police District Press Corps ang 14-anyos na 2nd year high school student ng Jose P. Laurel High School kung saan sinabi nito ang ginawang pangungurot, panununtok at pagtulak sa kanyang ulo ni Sylvia Paguio, guro sa Social Studies mata­pos pagbintangang pasimuno ng tulakan.

Ayon kay “Allan”, Oktubre 6 na­ganap ang pananakit di­umano ni Paguio sa loob ng paaralan.

Ipinakita din ng biktima ang pasa sa braso niya na natamo umano sa guro nang papa­labas na sila ng paaralan.

Samantala, nagsampa din ng reklamo si “Troy”, 12, out-of-school youth laban sa kapit­bahay nitong si Roderick Cuartero, 40, residente ng T. Cruz St., Tondo, Maynila.

Ayon sa biktima, dakong alas-9:30 ng  gabi nang sipain umano siya sa mukha ni Cuartero, matapos mapagka­malan na nag-iingay sa lugar . Hinihintay naman ang  resulta ng medico legal para sa pagsa­sampa ng kaukulang kaso laban kay Cuartero. 

vuukle comment

AYON

CHILD ABUSE

CRUZ ST.

CUARTERO

JOSE P

LAUREL HIGH SCHOOL

MANILA POLICE DISTRICT PRESS CORPS

REPUBLIC ACT

RODERICK CUARTERO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with