^

Metro

Illegal recruiter arestado

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Arestado sa isang entrapment operations ang isang lalaki matapos na ireklamo ng kan­yang mga biktima ng illegal re­cruitment kamakalawa ng hapon sa Manila City Hall Police­.

Ayon kay Chief Insp. Marcelo Reyes, si Rommel Chua alyas Rommel Salvador, 38 ng no. 29 P. Guevarra St. Sta. Cruz, Manila  ay positibong itinuro ng isa sa kanyang mga biktimang si Bolter F. Cruz, 26, Sales Assistant at residente ng Block 9, Lot 4, Las Palmas Subdivision, Bgy. Caypambo, Sta. Maria, Bulacan

Sa pahayag ni Cruz kay SPO3 Amador Jareño, inalok umano siya ng suspect kung gustong mag-aplay sa kanyang agency (RSC travel consultant) at bibigyan ng trabaho sa bansang Macau bilang “butler” sa isang Casino na may bu­wanang sahod na P30,000 hindi pa kasama ang overtime.

Hiningi umano ng suspect ang kanyang contact number at nitong nakaraang Setyembre 28, 2010 ay nakatanggap siya ng text message sa suspect na nagtatanong kung interesado siya sa trabaho.

Dito ay sinabihan siya ng suspect na magbigay lang ng halagang P10,000 para sa pag­papaayos ng kanyang mga ka­ila­ngang dokumento at asahan niya na sa loob lamang ng isang linggo ay makakaalis na siya patungong Macau para maka­pagtrabaho.

Nagkasundo umano silang magkita sa coffee shop sa loob ng isang department store kung saan niya ibinigay ang paunang P10,000 ng walang inisyu na resibo bilang katibayan na tinanggap ng suspect ang pera.

Oktubre 5, 2010 ng muli siyang tawagan ng suspect at muli siyang hingan ng halagang P8,620.00 para naman umano sa panglagay sa Chinese Embassy at ipadala daw sa LBC at kinabukasan umano (Oct. 6, 2010) ay makakaalis na siya.

Agad niyang ipinadala ang nasabing halaga sa pangalan ng suspect na Rommel Salvador at kinabukasan ng umaga ay agad naman niyang inim­pake ang kanyang mga gamit sa pag-aakalang makakaalis na siya.

Subalit nang tawagan niya ang cellphone ng suspect ay hindi na niya ito ma-contact. Makalipas ang ilang minuto ay nag-text ang suspect at humingi ng despensa sa pagka­antala ng kanyang pag-alis na lingid sa kaalaman ng suspect ay natu­nugan na ng biktima na niloloko lamang ng huli.

Muli umano siyang hiningan ng P2,000.00 para naman sa padulas sa Immigration Officer sa NAIA at magkita naman sila sa isang restaurant.

Kaya’t kasama ang policewoman na hipag ng biktima na si PO1 Roselda Jubilo ay lumapit na sila kay Reyes para sa entrapment operation na isasa­gawa sa ikahuhuli ng suspect.

Habang iniimbistigahan ay dumagsa naman ang iba pang mga nabiktima ng suspect sa tanggapan ng MCHPO na mas lalong nagpadiin sa kasong kakaharapin nito. Nakatakdang sampahan ng kasong large scale estafa at illegal recruiter ang suspect sa piskalya ng Maynila.

AMADOR JARE

BOLTER F

CHIEF INSP

CHINESE EMBASSY

CRUZ

GUEVARRA ST. STA

ROMMEL SALVADOR

SHY

SUSPECT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with