Holdaper, todas , 2 pa timbog

MANILA, Philippines - Isang holdaper ang namatay habang dala­wang kasamahan nito ang nahuli ng mga awto­ridad makaraang mam­biktima at pagtulungang bugbugin ng taumbayan kahapon sa Quezon City.

Dead-on-arrival sa East Avenue Medical Center ang holdaper na si  Richard Reyes alias “Adong” ng 3rd St. Ka­layaan B., Batasan Hills ng nabanggit ding lung­sod.

Ginagamot din sa naturang ospital ang nabiktima nitong si John Francis Raymundo,26, aluminum fabricator ng 125 Mabiyaya St. Freedom Park-1 Bgy. Bata­san Hills Q.C.

Kasalukuyan na­mang nakakulong ang dalawa pang holdaper na sina Johnro Tolero, 21 at Darwin Valdez, 20 kapwa na­katira sa 4th St. Kala­yaan-B, Bata­san Hills QC.

Base sa ulat ni SP01 Randy Escobido ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU), nangyari ang panghoholdap ban­dang 12:30 ng madaling araw ilang metro ang layo sa bahay ng biktima.

Naglalakad pauwi ang biktima nang lapi­tan siya ng tatlong suspect na armado ng pa­ta­lim at baril at pilit na kinukuha ang cell­phone nito.

Subalit sa halip na matakot ay pumalag ang biktima dahilan para sak­sakin siya ng dala­wang beses sa kaliwang hita pero naagaw niya ang patalim sa isa sa mga suspect at saka iti­nutok sa leeg ni Reyes.

Dahil sa pangyayari nagpulasan sina Tolero at Valdez habang humi­ngi ng tulong sa mga residente ang biktima. Dito ay kinuyog si Reyes ng taumbayan dahilan para ito ay mamatay.

Agad namang natun­ton  ng mga pulis ang ki­na­roroonan nina Tolero at Valdez kung kaya’t papa­ nagutin ang mga ito sa krimen.

Show comments