^

Metro

1 CR sa restaurant, ipagbabawal

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Inirekomenda ni Manila City Administrator Jesus Mari Marzan ang pagbabawal sa mga restaurant na isang comfort room lang ang ipina­gagamit sa mga customer.

Ang rekomendasyon ni Marzan ay bunsod na rin ng pagbibigay ng proteksiyon at seguridad sa mga customer lalo na sa mga kababaihan.

Aniya, kailangan na ma­panatili ng mga restaurant ang kanilang kalinisan lalo pa’t pagkain ang kanilang mga ibine­benta.

Sinabi ni Marzan na marami siyang nakitang mga restaurant sa lung­sod na iisa lamang ang palikuran kung saan maaaring gamitin ng lalaki at babae.

Dahil dito, sinabi ni Marzan na inirekomenda din niya sa city building officials ang pagsa­sagawa ng inspeksiyon sa mga restaurant sa lungsod upang matiyak na ang mga ito ay su­musunod sa kanilang regulasyon.

Pinayuhan din ni Marzan ang mga restaurant owner na ayusin at baguhin ang kanilang mga comfort room upang hindi na masita pa ng city government.

ANIYA

DAHIL

INIREKOMENDA

MANILA CITY ADMINISTRATOR JESUS MARI MARZAN

MARZAN

PINAYUHAN

SHY

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with