^

Metro

Dudura, sisinga sa kalye huhulihin

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Naniniwala si Manila City Administrator Jesus Mari Marzan na dapat na hulihin ang sinumang du­dura at sisinga sa kal­sada bilang bahagi ng paglilinis ng   paligid.

Ayon kay Marzan, pabor siya sa panukala ni Manila 1st District Councilor Numero Lim na ipa­tupad ang pagbabawal sa pagdura at pagsinga dahil isang kababuyan ito at kawalan ng disi­plina.

Aniya, dapat na alam ng sinuman ang tamang kalinisan hindi lamang sa pangangatawan kundi maging sa kapaligiran. May mga basurahan na­mang nakalagay kung saan maaaring dumura at suminga.

Dapat na alalahanin ng mga dumudura at su­mi­singa ang posibleng sakit na kanilang ma­ipasa sa pagdura sa anu­mang lugar.

Batay sa ordinansa ni Lim, pagbabayarin ng P1,000 para sa unang paglabag, P2,000 sa ikalawa at P3,000 bukod pa sa pagkakakulong ng tatlong araw para sa ikatlong offense.

Sinabi ni Lim na na­ka­kalungkot na kung saan-saan na lamang du­mudura ang sinuman at hindi alintana ang kanilang mga kapwa.

Maaari namang gu­mamit ng tissue o panyo ang mga sisinga upang maiwasan ang pagpasa ng sakit at pagdumi ng paligid.

ANIYA

AYON

BATAY

DAPAT

DISTRICT COUNCILOR NUMERO LIM

MAAARI

MANILA CITY ADMINISTRATOR JESUS MARI MARZAN

MARZAN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with