Bagong laya, itinumba

MANILA, Philippines - Hindi na nakapag-bagong buhay pa ang isang dating preso matapos itong patayin sa saksak ng dalawang hindi pa nakikilalang lalaki matapos makipag-inuman bilang pag­sasaya sa paglaya ng una sa Caloocan City, kahapon ng madaling-araw.

Dead-on-the-spot si Rowel Pelante, 24 ng Sawata na­banggit na lungsod.

Nabatid sa report ng pulisya, ala-1:30 ng umaga, naglalakad papauwi ang bik­tima kasama ang kaibigan na si Noel dela Cruz matapos mag-inuman. Nag-celebrate umano ang dalawa dahil sa paglaya ni Pelante sa kasong attempted homicide.

Pagsapit ng mga ito sa C-3 Road ay biglang sumulpot ang mga suspek at walang sabi-sabing pinagsasaksak ang nabanggit na biktima na naging dahilan ng agaran nitong kamatayan.

Tumakas ang mga sus­pek at inaalam na ng mga pulis kung paghihiganti ang motibo sa nasabing insi­dente.

Show comments