^

Metro

Babae 'di gumamit ng overpass, lasog sa taxi

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Isa na namang pedestrian na hindi gumamit ng tamang tawiran o overpass ang na­sawi makaraang mabundol ng isang taxi habang papatawid sa isang kalsada sa Quezon City.

Dahil walang pagkaka­kilanlan, inilarawan ang bik­tima sa edad na 30-40, may taas na 4"11, morena, naka­suot ng kulay asul na t-shirt, at kulay gray na short pants.

Nagawa pa siyang ma­itakbo ng nagmamalasakit na taumbayan sa Quezon Memorial Medical Center, ngunit idineklara ding patay.

Natukoy naman ang driver ng taxi na si Rodrigo Manalili, 38, may-asawa ng Sampa­guita Inaon Pulilan, Bulacan.

Sa ulat ni PO3 Henry Se, ng traffic sector ng Quezon City Police, nangyari ang insi­dente sa may Katipunan Road, Harap ng Ateneo de Manila, pasado alas-5 ng hapon kamakalawa.

Diumano, minamaneho ni Manalili ang kanyang Toyota Vios taxi (TXH-249) at tina­tahak ang nasabing lugar nang biglang mabangga nito ang tumatawid na biktima.

Sa lakas ng impact, tumi­lapon ang biktima sa kalsada sanhi upang magtamo ito ng matinding pinsala sa katawan.

Sinasabing ilang hakbang lamang mula sa lugar ng pinangyarihan ng insidente ay naroon ang itinayong overpass, subalit hindi ito ginamit ng biktima sa halip ay nag­bakasakaling tumawid sa kalsada na ugat para siya ma­aksidente.

Nahaharap ngayon sa kasong reckless imprudence resulting in homicide ang na­turang suspect habang ina­alam pa ang pagkakakilanlan ng biktima.

ATENEO

HENRY SE

INAON PULILAN

KATIPUNAN ROAD

QUEZON CITY

QUEZON CITY POLICE

QUEZON MEMORIAL MEDICAL CENTER

RODRIGO MANALILI

SHY

TOYOTA VIOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with