^

Metro

Jeep rumampa sa gutter: 2 patay, 5 sugatan

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Dalawa katao ang nasawi, habang lima pa ang malubhang nasuga­tan makaraang araruhin sila ng isang naglokong pampasaherong jeepney   sa isang lugar sa lungsod Quezon kamakalawa.

Kinilala ang mga na­sawi na sina Jeyffy Pelipel, 31, binata; at Primitivo Tied­ra, 40, factory worker; kapwa mga residente sa Brgy. Kaunlaran sa lung­sod. Ang mga sugatan naman ay kasalukuyang naka-confine sa Quezon City Memorial Medical Center.

Ayon sa pulisya, si Pe­lipel ay agad na na­sawi sa pinangyarihan ng insidente habang si Tiedra ay dead-on-arrival sa QCMMC.

Nasa kustodiya na­man ng Traffic Sector 4 ng Quezon City Police ang driver ng nakabang­gang jeepney na si Cesar Alicaway Jr., 24, ng na­sabi ring lugar.

Nangyari ang insi­dente sa may Aurora Blvd., ma­lapit sa Manga Road, par­tikular sa harap ng bahay ng mga biktima ganap na alas-9:10 ng gabi.

Sinasabing binabay­bay ng pampasaherong jeepney (TWU-449) na minamaneho ni Alicaway ang Aurora Blvd., galing sa direksyon ng Manila patungong EDSA nang pagsapit sa panulukan ng Manga Road ay big­lang bumulusok saka sumalpok sa gutter pa­tungo sa nasabing bahay.

Kasalukuyan namang nakaupo at nakaistam­bay sa labas ng naturang lugar ang mga biktima at dahil sa bilis ng pangya­yari ay hindi na nakaiwas ang mga ito nang ruma­gasa sa kanila ang nasabing sasakyan.

Ayon pa sa ulat, dahil si Pelipel ay nakaladkad ng nasabing jeepney ay grabe ang tinamo nitong sugat sa ulo at buong ka­tawan, habang si Tiedra naman ay nagulungan ang katawan kung kaya sila ang inabot ng kama­tayan. Tinangka pang tumakas ni Alicaway, subalit hinabol ito ng mga nagmalasakit na taum­bayan at pinagbu­bugbog, bago iturn-over sa awto­ridad.

Lumilitaw din sa pag­sisiyasat na walang li­sensya ang suspect dahil hindi naman ito ang tunay na driver ng jeepney kundi backrider lamang.

Inihahanda na ang kaso laban dito.

vuukle comment

ALICAWAY

AURORA BLVD

AYON

CESAR ALICAWAY JR.

JEYFFY PELIPEL

MANGA ROAD

PRIMITIVO TIED

QUEZON CITY MEMORIAL MEDICAL CENTER

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with