^

Metro

Shabu tiangge sa QC ni-raid, lola arestado

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Isang 65 -anyos na lola na umano’y sangkot sa pagbe­benta ng droga ang naaresto sa ginawang pagsalakay ng tropa ng Philippine Drug En­forcement Agency (PDEA) sa tinaguriang shabu tiangge sa lungsod Quezon kahapon ng hapon.

Sa inisyal na impormas­yong ibinigay ni Metro Manila Regional Office-PDEA chief Supt. Wilkins Villanueva, na­kilala ang lola na si Norma Laurente, alyas Nanay, resi­dente sa Ilagan St., Brgy. Paltok sa lungsod.

Bukod kay lola, isasailalim din sa pagsisiyasat ang ilang resi­dente na sina Alfred Lau­rente,  22; Ryan Francisco, 30; Alvin Camacho, 21; Ro­land Gallardo, 21; at Julie-Ann Laurente, 21; matapos na ma­aktuhang nasa lugar nang isagawa ang raid.

Ang raid ay ginawa sa bisa ng warrant of arrest na ipina­labas ng Manila Regional Trial Court branch 21 sa pangu­nguna ni Executive Judge Amor Reyes na may petsang Oct. 5, 2010.

Sinabi ni Villanueva, par­tikular na target ng search war­rant ang bahay ni lola, alyas Marino at alyas Inday na pawang mga pinaniniwalaang tulak ng nasabing droga, base na rin sa tip ng kanilang im­pormante.

Pasado alas -3 ng hapon nang salakayin ng tropa ni Villa­nueva ang nasabing lugar, kung saan nadakip ang lola.

Nagawa namang maka­takbo ni alyas Marino sa pamamagitan ng pagdaan sa rooftop ng kanyang bahay.

ALFRED LAU

ALVIN CAMACHO

DRUG EN

EXECUTIVE JUDGE AMOR REYES

ILAGAN ST.

JULIE-ANN LAURENTE

MANILA REGIONAL TRIAL COURT

MARINO

METRO MANILA REGIONAL OFFICE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with