^

Metro

French national hulog sa resto, hati ang ulo

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Nabiyak na parang buko ang ulo at kumalat ang utak sa semento ng isang 53-anyos na French national na sinasabing lumagpak sa ground floor mula sa ika-3 pa­lapag ng Gumbo restaurant, sa loob ng isang mall sa Ermita, Maynila, kama­ kalawa ng gabi.

Sa ulat ni PO2 Lester Evan­gelista, nahati hanggang sa bahagi ng baba, ang bungo ng biktimang si Rene Battail Jean Louis, ng #4 Rue Des Cites 93300 Aubervillers, France.

Dakong alas-9:30 ng gabi nang maganap ang insidente sa 3rd floor ng Pedro Gil wing ng mall.

Nabatid na pumasok sa Gumbo Restaurant ang bik­tima at umorder ng maraming pagkain, dalawang bote ng wine. Nang makalipas ang 2 oras, nilapitan umano ito ng food attendant na si Michael Reblando at iniabot ang bill na umabot sa P4,438.50 dahil sa magsasara na ang kanilang restaurant.

Nakangiti pa umano ang biktima nang tanggapin ang resibo at itiniklop hanggang sa tumayo at lumabas ng res­taurant. Nang sundan ni Re­blando dahil hindi pa bayad ang bill, nakita niyang umak­yat ito sa 3rd floor at nakita na lamang na bumag­sak ito sa ibaba na nag­resulta sa kan­yang aga­rang kamatayan. Posible umanong nalaglag o tumalon talaga ang biktima.

Batay sa nakuhang Visa ng biktima, madalas itong mag-travel at posibleng hindi naman ito naghihirap para hindi mag­bayad ng bill.

vuukle comment

AUBERVILLERS

BATAY

GUMBO RESTAURANT

LESTER EVAN

MICHAEL REBLANDO

NANG

PEDRO GIL

RENE BATTAIL JEAN LOUIS

RUE DES CITES

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with