^

Metro

Matataas na kalibre ng armas kuha sa Tsino

- Joy Cantos, Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Nakumpiska ng mga ta­uhan ng National Capital Re­gional Police Office (NCRPO) ang sangkaterbang mata­taas na kalibre ng baril sa loob ng bahay ng isang Chinese national, kahapon ng mada­ling-araw sa Las Piñas City.

Nahaharap ngayon sa ka­song paglabag sa Republic Act 8294 (Illegal Possession of Firearms and Ammunition) ang suspek na si Herbert Tan Tiu, 43, nangungupahan sa No. 1-C Dominic St. , Metrocor South­gate, Brgy. Talon 3, ng naturang lungsod.

Nakumpiska sa loob ng bahay ni Tiu ang 14 na unit ng Indonesian-made SS1-V1 Kal. 5.56mm assault rifles; 102 pirasong magazine para sa SS1-V1 rifles; 1 Glock 9mm pistol na may dalawang magazine; 45 bala para sa 9mm pistol; at 10 holsters.

Nabatid na nagkakaha­laga ang naturang mga baril ng P200,000 bawat isa at posibleng umakyat pa ang halaga nito kapag naipasok na sa “black market”.

Nabatid na pinasok ng mga pulis sa pangunguna ni PChief Insp. Rene De Jesus ng Re­gional Police Intel­ligence Ope­rating Unit (RPIU) ang bahay ni Tiu dakong alas-12:35 ng ma­daling-araw sa bisa ng search warrant na inilabas ni Judge Amor Reyes ng Manila Regional Trial Court Branch 21.

Sinabi ni NCRPO chief, Director Leocadio Santiago Jr. na isang masusing imbesti­gas­yon na ang kanilang isina­sagawa kung saan tinututu­kan nila ang posibilidad na ba­hagi ang mga nakumpiskang baril sa nabigong smuggling ng armas sa Mariveles, Ba­taan noong nakaraang taon.

Sinabi naman ni Tiu na pag-aari ng isang kaibigan na isa ring dayuhan ang mga na­kum­piskang mga baril na ibi­nilin lamang sa kanya.

Taha­san rin nitong iti­nanggi na ibinebenta niya ang naturang mga baril sa mga kustomer.

C DOMINIC ST.

DIRECTOR LEOCADIO SANTIAGO JR.

HERBERT TAN TIU

ILLEGAL POSSESSION OF FIREARMS AND AMMUNITION

JUDGE AMOR REYES

LAS PI

MANILA REGIONAL TRIAL COURT BRANCH

METROCOR SOUTH

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with