^

Metro

Crane operator hulog, tigok

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Dead-on-arrival sa Justice Abad Santos Mother and Child Hospital ang isang crane operator nang mahulog mula sa 600 foot tower crane ng isang itinatayong gusali sa Binondo, Maynila, kahapon ng umaga.

Kinilala ang biktimang si Jerry Basi, 36, empleyado ng Momentum Construction Company at residente  ng Old Balara, Quezon City.

Ayon sa ulat, dakong alas-8:30 ng umaga nang maganap ang insidente sa rooftop ng isang 17-storey Sun Joy Realty Building sa Lavezares St., Binondo, Maynila. Sinabi ng isang Cristobal Dinglasan, ka-trabaho ng biktima, habang nasa ika-17 palapag siya ay narinig niya ang malakas na kalabog at nang tingnan ay nakitang nakabitin ang biktima sa isang bahagi ng tower crane. Inakalang nagbibiro lamang subalit matagal umanong hindi gumagalaw kaya humingi siya ng saklolo sa iba pang kasamahan upang isugod sa pagamutan ang biktima kung saan ito idinekla­rang patay.

Posibleng sa  pag-akyat umano ng biktima sa railing ng tower crane  ay nadulas ito at nahulog at sumabit sa ibabang bahagi ng crane.

vuukle comment

BINONDO

CRISTOBAL DINGLASAN

JERRY BASI

JUSTICE ABAD SANTOS MOTHER AND CHILD HOSPITAL

LAVEZARES ST.

MAYNILA

MOMENTUM CONSTRUCTION COMPANY

OLD BALARA

QUEZON CITY

SUN JOY REALTY BUILDING

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with