^

Metro

700 kilo pa ng botcha, nasamsam

- Ricky Tulipat at Angie­ dela Cruz -

MANILA, Philippines - Kahit paulit-ulit ang gina­ga­wang paghuli ng mga awto­ridad sa mga tinderong nag­be­benta ng botcha o double dead meat, hindi pa rin tumi­tigil ang mga ito dahil kaha­pon, muli na namang naka­sam­­sam ng may 700 kilo ng mga bulok na karne sa Balin­tawak Market sa lungsod Quezon.

Ayon kay Dr. Ana Marie Cabel, head officer ng city hall health department, ang pag­salakay sa nasabing palengke ay pang-9 beses nang ginawa sa buwan ng Setyembre at Oktubre.

Giit ni Cabel, magsisimula na namang maging talamak ang bentahan ng ganitong uri ng karne lalo ngayong malapit na ang Kapaskuhan kung saan dagsa ang mga mami­mili para sa kanilang iha­handa.

Ganap na alas-3 ng mada­ling-araw nang muling suma­lakay ang nasabing pamu­nuan kasama ang tropa ng Quezon City Police kung saan nakum­piska ang daan-daang kilo ng mga bulok na karne ng baboy.

Bukod sa double dead na karne, nakakumpiska rin ang tropa ng mga expired na pro­cessed meat sa naturang pa­lengke tulad ng hotdog, bacon, chicken nuggets at ham na tumitimbang ng 66 na kilo.

Nabuko ang pagtitinda ng mga expired na processed meat makaraang isang con­sumer ang nagreklamo kay Cabel na sumakit ang tiyan ma­tapos na mabili at maka­kain nito.

Nabatid na inaalis ng mga tindero ang expiry date ng na­turang pagkain na ibinebenta lamang sa mga bilao, para hin­di mahalatang luma na ito at hin­di na maaaring kainin.

AYON

BALIN

BUKOD

CABEL

DR. ANA MARIE CABEL

GANAP

GIIT

QUEZON CITY POLICE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with