^

Metro

Bar exams hindi na gagawin sa La Salle - SC

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Sinabi kahapon ni Su­preme Court Justice Renato Corona na hindi na sa  De La Salle University gagawin ang taunang Bar examination.

Gayunman, agad ding nilinaw ni Corona na walang kinalaman dito ang naganap na pagsabog sa huling araw ng Bar examination kamaka­ilan kung saan marami ang mga nasugatan.

Ayon kay Corona, noong isang taon pa nagpasabi ang pamunuan ng De La Salle na ayaw na nilang i-renew ang lease contract upang doon maisagawa ang taunang Bar exam.

Katwiran aniya ng La Salle ay nadudumihan ang kanilang paaralan sa tuwing nagsasa­gawa ng Bar exam.

Kabilang naman sa mga pinag-aaralan ng SC ay ang paglilipat ng venue ng Bar exam sa University of Santo Tomas o di kaya’y sa Adam­son University.

Sinabi pa ni Corona na maganda sana ang Ateneo de Manila University dahil ma­lawak ang lugar nito subalit magkakalayo ang mga class­room rito at hindi naman anya lahat ng barristers ay may sa­sakyan.

Samantala, binisita naman kahapon ni Corona ang isa pang biktima sa pagsabog sa Bar exam na si Patricia Salang sa St. Claire Hospital upang ma­tiyak kung nasa maayos nang kalagayan ang nasabing biktima.

COURT JUSTICE RENATO CORONA

DE LA SALLE

DE LA SALLE UNIVERSITY

LA SALLE

MANILA UNIVERSITY

PATRICIA SALANG

SHY

SINABI

ST. CLAIRE HOSPITAL

UNIVERSITY OF SANTO TOMAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with