^

Metro

2 holdaper timbog

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Nagbunga ang ipinatutupad na police visibility ng Pasay police makaraang dalawang kilabot na holdaper ng taxi ang nadakip ng mga nagpapatrulyang pulis, kamakalawa ng gabi sa naturang lungsod.

Robbery hold-up, illegal possession of deadly weapons at paglabag sa Omnibus Election Code ang kaka­harapin ng mga suspect na sina Florence Imperial, 19, ng no. 2 BAC-1-11 St., Don Carlos Village, Pasay at Romel Mateo, 22, ng no. 172 Sta. Isabel St., Maricaban, ng naturang lungsod.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-11:45 ng gabi nang bik­ti­mahin­ ng dalawang suspect ang driver na si Renato Tamban, 43, ng no. 39 Morales Compound, Bgy. De Castro, Pasig City. Tinangay ng mga salarin ang P4,000 kinita ni Tamban at dalawang cellphone nang magpanggap na pasahero at sumakay sa taxi ng biktima na Ryan Patrick taxi (TYP-509).

Habang binibilang umano ng mga suspect ang pera, nagawang makalabas ng kotse si Tamban at agad na nagtatakbo sa malapit na gasolinahan kung saan nagpa­pakarga ng gasolina ang isang patrol unit ng Pasay police na minamaneho ni SPO3 Eduardo Geneblazo ng Police Community Precinct 8.

Agad na rumesponde ang naturang pulis kasama ang mga security guard na sina Linbert Dela Cruz at Ramil Bequizo kung saan inabutan pa ang dalawang suspect at nagresulta sa kanilang pagkakadakip.  Narekober sa mga salarin ang isang jungle bolo, isang ice pick at ang pera at cellphone ng biktima.

vuukle comment

DE CASTRO

DON CARLOS VILLAGE

EDUARDO GENEBLAZO

FLORENCE IMPERIAL

ISABEL ST.

LINBERT DELA CRUZ

MORALES COMPOUND

OMNIBUS ELECTION CODE

PASAY

PASIG CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with