Mister inatado

MANILA, Philippines - Pinagsasaksak hang­gang sa mapatay ang isang lalaki habang nagpapa­hangin sa tapat ng isang   bahay kamakalawa ng gabi sa Quezon City.

Dead-on-the-spot ang biktimang si Danilo Duran, 37, may-asawa, ng no. 647 Apple St., Bgy. Commonwealth habang nakilala naman ang suspect na si Noel Melchor na agad na tumakas.

Sa inisyal na ulat ni P03 Modestino Juanson ng Que­zon City Police District-Cri­minal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU) nang­­yari ang insi­dente sa tapat ng isang bahay sa Ka­unlaran St. sa naturang ba­rangay ganap na alas-7 ng gabi.

Nakaupong nagpapa­hangin ang biktima nang big­ lang sumulpot ang suspect dala ang isang kitchen knife at walang sabi-sabing inun­dayan ng saksak ang una.

Patuloy ang pagsisi­yasat ng QCPD-CIDU sa nasa­bing insidente upang mala­man ang tunay na motibo ng pa­mamaslang.

Show comments