Mister inatado
MANILA, Philippines - Pinagsasaksak hanggang sa mapatay ang isang lalaki habang nagpapahangin sa tapat ng isang bahay kamakalawa ng gabi sa Quezon City.
Dead-on-the-spot ang biktimang si Danilo Duran, 37, may-asawa, ng no. 647 Apple St., Bgy. Commonwealth habang nakilala naman ang suspect na si Noel Melchor na agad na tumakas.
Sa inisyal na ulat ni P03 Modestino Juanson ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU) nangyari ang insidente sa tapat ng isang bahay sa Kaunlaran St. sa naturang barangay ganap na alas-7 ng gabi.
Nakaupong nagpapahangin ang biktima nang big lang sumulpot ang suspect dala ang isang kitchen knife at walang sabi-sabing inundayan ng saksak ang una.
Patuloy ang pagsisiyasat ng QCPD-CIDU sa nasabing insidente upang malaman ang tunay na motibo ng pamamaslang.
- Latest
- Trending