^

Metro

Kelot itinumba sa bilyaran

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines – Isang 29-anyos na lalaki ang nasawi makaraang pagba­barilin habang naglalaro ng bilyar ng isang rider na nagpa­kilalang pulis sa lungsod Quezon kahapon ng hapon.

Sa inisyal na ulat, nakilala ang biktima na si Ruel Fajardo, ng San Jose St., Brgy. San Antonio sa lungsod.

Agad namang tumakas ang suspect sakay ng isang motor­siklo matapos ang pamamaril.

Naganap ang insidente sa may Raps Billiard na mata­tagpuan sa Zamora St., Brgy. Damayan, ganap na alas-2 ng hapon habang ang biktima ay kasalukuyang naglalaro ng bilyar nang dumating ang isang motorsiklo sakay ang suspect na naka-shades at nagpakilalang pulis. Agad nitong inasinta ang biktima at saka binaril at pagkatapos ay mabilis na tumakas.

Hindi pa mabatid kung ano ang motibo sa isinagawang pagpaslang sa biktima.

vuukle comment

BRGY

DAMAYAN

ISANG

NAGANAP

QUEZON

RAPS BILLIARD

RUEL FAJARDO

SAN ANTONIO

SAN JOSE ST.

ZAMORA ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with