^

Metro

Babae tumalon sa condo, patay

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines –  Patay ang isang 44-anyos na dalaga makaraang tumalon mula sa ika-apat na palapag ng tinitirahang condo sa lungsod Quezon, kamakalawa.

“Tumalon ako, gusto ko nang mamatay,” ito umano ang huling katagang binigkas ni Aileen Brigida, ng PYP Mansion 1 Banahaw St., Brgy. Kaunlaran habang binubuhat siya para dalhin sa ospital ng dalawang driver kung saan ito nalagutan ng hininga.

Sa ulat ni PO3 Randy Bantillo ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU), naganap ang insidente dakong alas-7:30 ng gabi sa bahay ng biktima na nasa ika-apat na palapag.

Ayon kay Florencio de Guzman, maintenance sa lugar, kasalukuyan siyang nag-iigib sa ground floor ng establisimento nang biglang bumagsak sa kanyang harapan ang biktima.

Dahil dito, agad na tinawag ni De Guzman ang dalawang family driver ng biktima na sina Magdalino Liwanag at Romulo Lanang para itakbo ito sa ospital kung saan habang bitbit ay naibulong umano nito sa dalawa ang nasabing kataga.

Nagawa pang maitakbo sa St. Luke’s Medical Center ang biktima ngunit makalipas ang ilang oras ay nalagutan din ito ng hininga. Patuloy naman ang pagsisiyasat ng CIDU upang matukoy ang tunay na dahilan ng pagpapakamatay ng biktima.

vuukle comment

AILEEN BRIGIDA

AYON

BANAHAW ST.

DE GUZMAN

MAGDALINO LIWANAG

MEDICAL CENTER

QUEZON CITY POLICE DISTRICT-CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION UNIT

RANDY BANTILLO

ROMULO LANANG

ST. LUKE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with