^

Metro

Salpukan ng 2 bus:20 sugatan

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Tinatayang may 20 pasa­hero ang nasugatan nang mag­salpukan ang dalawang dam­buhalang bus sa  may Timog fly over sa lungsod Quezon ka­hapon ng hapon.

Ayon kay Hanna Zaballero ng Metro Manila Development Authority (MMDA) monitoring system, ang 18 pasahero ay itinakbo sa East Avenue Me­dical Center habang ang dalawa ay sa Veterans hospital.

Sa inisyal na ulat ng MMDA, nangyari ang insidente sa naturang lugar, partikular sa harap ng Nepa Q-mart ganap na alas 12:36 ng hapon.

Diumano, binabaybay ng Joyselle bus ((TXF-501) na minamaneho ni Christopher Isidro ang naturang lugar nang biglang bundulin ang likurang bahagi nito ng Five star bus (LXV-511) na minamaneho naman ni Angel Mayoralgo.

Sa lakas ng pagkaka­bangga, kapwa nagsipagtilapon sa kani-kanilang mga upuan ang mga sakay ng dalawang bus dahilan para masugatan ang mga ito.

Kwento ni Isidro, mabilis umano ang takbo ng Five star kaya hindi nito nagawang ma­ka­pag-preno agad, bagay na itinatanggi naman ng driver nito na si Mayoralgo.

Agad namang rumisponde ang rescue team ng MMDA at agad na tinulungan ang mga sugatang pasahero at dinala sa naturang mga ospital kung saan sila nilapatan ng lunas.

ANGEL MAYORALGO

AYON

CHRISTOPHER ISIDRO

DIUMANO

EAST AVENUE ME

HANNA ZABALLERO

ISIDRO

METRO MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

NEPA Q

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with