Saksi sa Maguindanao masaker, sumumpa sa Qu'ran

MANILA, Philippines - Sumumpa sa banal na Qu’ran ng mga Muslim ang pangu­nahing saksi sa Maguindanao masaker na si Lakmudin Saliao kasabay ng patuloy na pagdiin nito sa pamilya Ampatuan na siyang pumaslang sa 57 biktima ng karumal-dumal na krimen.

Sa patuloy na pagdinig sa sala ni Judge Jocelyn Solis-Reyes ng Quezon City Regional Trial Court, unang tinanong ng aboga­dong si Gregorio Narvasa, miyembro ng legal team ng mga Ampa­tuan si Saliao kung kasalanan sa mga Muslim ang magsinungaling, na sinagot naman nito na “oo”.  Hiniling naman ni Narvasa na sumumpa ito sa Qu’ran na kanya namang ginawa.

“Sinusumpa ko po na mga Ampatuan ang pumatay sa mas­sacre”, ayon kay Saliao habang nakapatong ang isang kamay nito sa ibabaw ng Banal na Libro na iniabot sa kanya ng isang staff ng korte.

Show comments