^

Metro

8 miyembro ng CIDG Camp Crame, nahaharap sa patung patong na kaso

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Bukod sa mga kasong cri­minal at administratibo na ini­hain sa Ombudsman at Na­tional Police Commission (Napol­com), sasampahan din ng Neptune Metal Scrap Recycling, Inc. ang walong pulis na nakatalaga sa CIDG-NCR ng Camp Crame, Quezon City, dahil sa umano’y pagtangay sa container van ng naturang kompanya at pagkawala ng mga kargamento nitong birch copper na nagkakahalaga ng humigit kumulang sa P6-M matapos itong iwan sa com­pound ng Camp Karingal, Sikatuna, Quezon City.

Sa sandaling mapatuna­yang nagkasala, malamang matanggal sa serbisyo at makulong ang mga akusadong sina PO3 Joel T. Borda, PO1 Consencino Consencio, SPO1 Ismael Arizala, PO1 Elmer D. Ocampo, SPO2 Gaudencio Ca­ta­pang, P/Insp. Buenaven­tura, P/Chief Insp. Fernando Reyes, at P/Sr. Supt. Pedro Cabati­ngan, Jr. na pawang taga-CIDG, Camp Crame.

Nabatid na noong Agosto 10 ng taong kasalukuyan, binabag­tas ng truck na may plakang RHA-494 na minamaneho ni Rolando Flores kasama ang pahinanteng si Ihannery Hupa ang kahabaan ng Letre Road, Malabon City patungong Manila International Container Port habang hila ang container cargo van nang pahintuin at sitahin sila ng mga pulis na sina Arizala, Borda, Ocampo, Reyes at ng iba pang ‘di nakilalang kala­lakihan.

Ayon kina Flores at Hupa, sa utos ni Cabatingan ay agad silang dinakip nang walang anumang paliwanag at   ipiniit sa Camp Crame sa loob ng tatlong araw.

Bago ito, sinabi pa nina Flores at Hupa na sa simula ay pilit ipinakokontak sa kanila ng grupo nina Cabatingan ang ka­nilang amo upang “ayusin ang problema” umano na ka­nilang kinakaharap, pero tinang­gihan ito ng kanilang amo.

Samantala, mula sa Camp Crame, ang container van na basta na lang iniwan sa com­pound ng Camp Karingal ng grupo ni Cabatingan nang wala man lang pormal na paglilipat ng kustodiya dito ay pinahin­tulutang mabuksan nitong nakaraang Sept. 28 matapos aprubahan ng Malabon City RTC-Branch 170 ang inihaing mosyon ng Nicolas & De Vega Law Offices, legal counsel ng Neptune.

Ang pagbubukas sa con­tainer van ay sinaksihan ng court sheriff, ilang media prac­titioner, tatlong tauhan ng Nep­tune at anim na abogado mula sa Nicolas & De Vega Law Offices. Dito napag-alaman na tatlong bundle na lamang ang natira sa 13 bundle ng birch copper na dating laman ng container van.

vuukle comment

BORDA

CABATINGAN

CAMP CRAME

CAMP KARINGAL

CHIEF INSP

CONSENCINO CONSENCIO

DE VEGA LAW OFFICES

MALABON CITY

QUEZON CITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with