^

Metro

Vice-mayor huli sa gun ban

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Posibleng maharap sa kasong paglabag sa Comelec gun ban ang isang Vice-Mayor sa Rizal matapos na makuhanan ito ng 9mm na baril sa isang checkpoint sa Quezon City, iniulat kahapon. Kinilala ang nadakip na si Vice Mayor Jonas Cruz ng Rodriguez, Rizal.

Naganap ang pagdakip noong madaling-araw ng Martes   sa isang checkpoint sa Gravel Pit corner, Payatas Road, Molave St., Brgy. Payatas sa lungsod.

Nagsasagawa ng checkpoint ang tropa ng Batasan Police Station 6 sa pamumuno ni Chief Insp. Wilfredo Alfonso at 13 pang tauhan nito nang sitahin nila ang isang puting Nissan Urban (NVQ-608) na minamaneho ng bise alkalde.

Sinasabi sa ulat, kusa namang nagpasita si Cruz sa mga operatiba, ngunit habang nagsasagawa ng inspeksyon ay napuna ni Alfonso ang isang pistola na nakalagay sa matting ng sasakyan na siyang dahilan para pigilan ito. Narekober kay Cruz ang isang pistola at magazine na may 10 rounds ng bala.

Sa beripikasyon, nabatid na ang firearm licenses card ng baril na hawak ng bise alkalde ay inisyu noong May 5, 2008 at may expiration date na May 22, 2010, dahilan para dalhin ang bise alkalde sa tanggapan ni Supt. Marcelino Pedroso ng PS6.

vuukle comment

BATASAN POLICE STATION

CHIEF INSP

CRUZ

GRAVEL PIT

MARCELINO PEDROSO

MOLAVE ST.

NISSAN URBAN

PAYATAS ROAD

QUEZON CITY

RIZAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with