^

Metro

Kaso ng dengue sa QC, patuloy ang pagtaas

- Ni Angie dela Cruz -

MANILA, Philippines - Naalarma na ang pamaha­la­ang lungsod ng Quezon City matapos ang patuloy na pag­taas ng kaso ng dengue dito.

Sinabi ni Dr. Rolly Cruz, hepe ng Epidemiology Section ng QC Health Department   mahigit na sa 2, 435 ang kaso ng dengue mula buwan ng Enero hanggang Setyembre 11, 2010 na may kataasan ng 59 porsiyento kung ihahambing sa 1,533 kaso noong 2009 sa ka­pa­re­hong period.

May 31 katao naman ang na­matay na ngayong taon dahil sa dengue.

Nananatili ang outbreak sa Brgy. Gulod na nangunguna sa may pinakamaraming kaso ng dengue at nakapagtala ang naturang barangay ng 163 kaso na may dalawang patay.

Sumusunod sa Gulod ang Brgy. Culiat na may 98 kaso at tatlong nasawi.

Sinabi ni Dr. Cruz na kara­mihan sa mga nabiktima ng dengue ay mga batang nasa edad isa hanggang 10 taong gulang. Dahil dito, muling pina­alala­ha­nan ng QC Health De­part­ment ang publiko par­tikular na ang mga estudyante na mag­suot ng mahahabang damit at maging malinis sa kapaligiran para maiwasan ang sakit.  

BRGY

DR. CRUZ

DR. ROLLY CRUZ

EPIDEMIOLOGY SECTION

GULOD

HEALTH DE

HEALTH DEPARTMENT

QUEZON CITY

SHY

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with