^

Metro

Dalagang pa-abroad, nagbaril sa sarili

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Isang dalaga ang nagpakamatay sa pama­magitan ng pagbaril sa kanyang sentido sa loob ng tinutuluyang condominium ng kanyang kapatid na lalaki, bago ito tuluyang lumipad patungong Switzerland, ayon sa Quezon City Police kahapon.

Nasawi habang ginagamot sa Quezon Me­morial Medical Center si Ellen Duclan, 27, ng Bingao, Baguio City.

Ayon sa pulisya, ganap na alas-12 ng tanghali nang madiskubre ang duguang biktima sa quar­ters room ng Unit 310 Calderon St., panulukan ng J. P. Rizal St., Project 4 sa lungsod.

Ang naturang condominium ay pag-aari ng kapatid ng biktima na si Edwin. Gamit ng nasawi sa pagpapakamatay ang baril ng boyfriend nitong si Allan Paguirigan na nagsabi sa imbestigador na hindi niya alam na dinala ito ng una.

Bago nito, inihatid pa ni Paguirigan si Duclan sa bahay ng kapatid matapos magpunta sa kanyang ahensya dahil sa paalis na ito kahapon patungong Switzerland para magtrabaho.

Sinasabing matapos makisalo ang biktima sa tanghalian sa kanyang pamilya at syota, ay puma­sok na ang una sa nasabing kuwarto at inilock ito. Ilang sandali, bigla na lamang umanong naka­rinig ng putok sa loob ng kuwarto at nang buksan ay tumambad na ang duguang katawan ng biktima.

Narekober sa insidente ang isang lisensya­dong baril na kalibre 9mm.

Nagtataka ngayon ang pulisya maging ang pamilya ng biktima kung ano ang dahilan ng pagpapakamatay nito, gayong papaalis na ito ng bansa para magtrabaho.

vuukle comment

ALLAN PAGUIRIGAN

AYON

BAGUIO CITY

BINGAO

CALDERON ST.

ELLEN DUCLAN

MEDICAL CENTER

QUEZON CITY POLICE

QUEZON ME

RIZAL ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with