^

Metro

Pintor ng national museum todas sa kapitbahay

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Hindi marahil inakala ng isang pintor ng National Museum na ang kanyang pag­do-drawing ng unggoy ang kan­yang ikamamatay ma­ta­pos na pagsasaksakin ng kanyang kapitbahay ka­hapon ng ma­daling-araw sa Pasay City.

Namatay din habang gina­gamot sa Pasay City General Hospital (PCGH) ang bikti­mang si Jaime Bruma, ng 292 Almazor St., Brgy 185 sa naturang lung­sod sanhi ng tinamong ma­ lalim na mga saksak sa dib­dib at tiyan.

Pinaghahanap naman ngayon ang nakatakas na suspect na nakilala lamang sa alyas na “Totoy Unggoy”, naninirahan rin sa naturang barangay.

Sa ulat ng Station Investigation and Detective Ma­nagement Section ng Pasay police, naganap ang pana­naksak dakong ala-1:30 ng madaling-araw sa Almazor St. Mag-isang naglalakad ang biktima nang sugurin at agad na undayan ng saksak ng suspect na mabilis ring tumakas.

Nasaksihan naman ni Brgy Kagawad Roel Ramos at tanod na si Edwin Guil­lermo ang pangyayari kaya’t sila na ang nagsugod sa biktima sa naturang paga­mutan.

Sa imbestigasyon, na­pag-alaman na bago naga­nap ang krimen ay gumuhit umano ng isang larawan ng unggoy ang biktima sa isang pader sa naturang lugar habang nakalagay na­man sa ilalim ng larawan ang pangalang Totoy na uma­no’y posibleng naging da­hilan upang patayin ng suspect ang biktima.

Posible umanong nain­sulto ang suspect sa ginawa ng biktima kung kayat ipi­nasya na lamang nitong wa­kasan ang buhay ng huli. 

ALMAZOR ST.

ALMAZOR ST. MAG

BRGY KAGAWAD ROEL RAMOS

EDWIN GUIL

JAIME BRUMA

NATIONAL MUSEUM

PASAY CITY

PASAY CITY GENERAL HOSPITAL

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with