^

Metro

4 APO fratmen absuwelto sa hazing

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines –  Ibinasura ng Makati City Regional Trial Court ang kasong hazing laban sa apat na miyembro ng Alpha Phi Omega (APO) na sangkot sa pagka­matay ng isang estudyante ng Univer­sity of Makati noong Agosto, 2010 sa ginanap na initiation rites.

Sa desisyon ni Judge Honorio Guanlao ng RTC Branch 57, walang nakitang probable cause upang sam­pahan ng kaso ang mga akusado na sina John Reynald Marin, Roesel Wen­ceslao, Michael Pagulayan at Rico Mansalapus na isinasangkot sa kasong hazing kung saan namatay si EJ Karl Intia, 19.

Nakatakda namang magsampa ng motion for reconsideration ang kampo ng prosekusyon sa pangunguna ni Asst. Prosecutor Lody Tancioco na nag­sampa ng kasong paglabag sa Republic Act 8049 (Anti-Hazing Law) laban sa mga suspek.    

Sa rekord ng pulisya, natagpuan ang bangkay ni Intia noong Agosto 15 sa bangin sa Sta. Maria, Laguna. Dito nadiskubre ng mga imbestigador na sumailalim sa hazing rites si Intia upang makapasok sa APO fraternity.

Noong nakalipas na linggo, hiniling ng korte sa panig ng prosekusyon na magpakita ng dagdag na ebidensya laban sa mga akusado makaraang ipa­kita lamang ang affidavit ng mga pulis na umaresto sa mga suspek.

AGOSTO

ALPHA PHI OMEGA

ANTI-HAZING LAW

INTIA

JOHN REYNALD MARIN

JUDGE HONORIO GUANLAO

KARL INTIA

MAKATI CITY REGIONAL TRIAL COURT

MICHAEL PAGULAYAN

PROSECUTOR LODY TANCIOCO

REPUBLIC ACT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with