^

Metro

Technician sumaydline sa pandurukot, timbog

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Himas-rehas ngayon ang isang computer technician na nag-sideline na mandukot ma­­tapos na arestuhin ng isang kagawad ng pulis na kanyang biniktima sa loob ng isang pampasaherong bus sa lung­ sod Quezon kamaka­lawa.

Kinilala ang suspect na si Phegie Mas, 26, ng Sapang-Alat, Pangarap Village, Ca­loocan City. Habang pinagha­hanap naman ang kasama nitong mabilis na tumakas.

Siya ay inaresto ng pulis na si PO1 Eric San Diego, 29, nakatalaga sa Bulacan Police station at residente sa Rodri­guez Sr., Blvd., Brgy. Dama­yan Lagi sa lungsod.

Ayon sa imbestigasyon, nangyari ang insidente sa may kahabaan ng EDSA corner Scout Borromeo ganap na alas-8:15 ng gabi.

Diumano, kapwa sakay ng isang pampasaherong bus ang biktima at mga suspect nang dukutan ng huli ang una. Sinasabing naramdaman na lamang ng pulis na may du­mukot sa kanyang pitaka na nakalagay sa likod ng pan­talon at nang kanyang lingu­nin ay nakita niyang ipinasa ito ni Mas sa isa pang kasama.

Dahil dito, agad na di­nakma ng pulis si Mas habang ang kasama naman nito ay mabilis na lumundag palabas ng bus at tumakas dala ang wallet ng una.

Patuloy ang manhunt ope­ration ng QCPD laban sa isa pang suspect.

vuukle comment

AYON

BRGY

BULACAN POLICE

DAHIL

DIUMANO

ERIC SAN DIEGO

PANGARAP VILLAGE

PHEGIE MAS

SCOUT BORROMEO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with