^

Metro

Hindi nagpautang, tinarakan

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Binawian ng buhay ang isang 59-anyos na may-ari ng isang sari-sari store nang saksakin ng pinsan ng kanyang misis dahil sa pagtanggi na pautangin ito sa Tondo, Maynila, kamakalawa ng gabi. Nakilala ang nasawi na si Danilo Gregorio, ng Mithi St., Tondo dahil sa tinamong mga saksak sa katawan.

Nakilala naman ang suspect na si Crispin Colintabo, 46, bagong laya umano sa kulungan. 

Naganap ang insidente dakong alas-10:30 ng gabi sa loob ng “mini-store” ng biktima.

“Nakita ko na lasing ’yung pinsan ko, sinabihan ko ang asawa ko na mabilis na magsara ng tindahan, pero naunahan siya,” pa­hayag ng maybahay ng biktima na si Cherrylyn Colintabo.

Papasara na umano ang tindahan nang dumating ang suspect na lasing umano at biglang niyakap ang biktima at inundayan ng ilang ulit na saksak sa katawan.

Nabatid na tumakas ang suspect sa lugar kasama ang kan­yang pamilya. 

vuukle comment

BINAWIAN

CHERRYLYN COLINTABO

CRISPIN COLINTABO

DANILO GREGORIO

MAYNILA

MITHI ST.

NABATID

NAGANAP

NAKILALA

NAKITA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with